Mabilis rin naman akong nahimasmasan matapos ang eksena namin ng cute na meralco guy. Ang halay ko talaga, hindi ko man lang naitanong kung ano ang pangalan niya. Siguro lang kasi umaasa akong magkikita pa kaming muli at dun ko na lang siya uusisain. Kaya kahit siguro naudlot ang pag-gamit ko kay Maria ay masaya pa rin ako sa isa na namang karanasang matagal ko ng inasam pero di ko inakalang magiging katotohanan.
Bandang hapon ay may narinig na akong mga boses sa labas ng apartment kasunod ng kalabog ng pintuan. Naalala ko ang mga bills na kailangan kong ibigay sa mga kapitbahay kaya kinuha ko ang mga iyon at nagpasyang idadaan ko na lang sa puwang ng pinto at sahig para di na ako maka-istorbo pa at di rin nila ako tanungin pa kung bakit nasa akin ang mga iyon.
